My Photo

Isa akong alipin.

Tagasunod ng sariling emosyon. Tagalapat ng sariling pag-iisip. Kumikilos batay sa karanasan. Ako ang mga likha ko, likha ko ay ako.

Ayoko Sayo

Labels: , ,

Ayoko sayo, ikaw na tingin mo sa sarili ay isang hari. Siguro nga may itsura ka, siguro nga mayaman ka, siguro nga matalino ka, pero 'wag mong isipin na lahat ng bagay na sayo na. May itsura, mayaman o matalino, kung ito'y iyong pinamukha, isa lang ang kahihinatnan mo, isa kang mayabang. Ayoko sayo taong mayabang.

Ayoko sayo, ikaw na maliit ang tingin sa sarili. Bakit takot kang ipagmalaki ang meron ka, mababawasan o madadagdagan ba ito? Anu ba ang nais mo, purihin o sipain? Wag kang aangal kung ika'y hahamakin ng mundo dahil ang mismong kakampi mo ay binitiwan ka na, yan ang sarili mo.

Ayoko sayo, sayo na hirap magbukas ng iyong damdamin. Hindi kita pinipilit pero naisip mo bang tao'y nag-aalala sayo. Kaya mo na bang mag-isa at bakit hindi mo subukang ako'y pasilipin sa 'yong kalungkutan. Nakakinis, nakakairita. Kung ayaw mo, 'wag mo. Ayoko sayo, taong malihim.

Ayoko sayo, bakit patuloy kang tumatakbo. Hindi ka pa ba pagod? Hanggang kailan mo ito ipagpapatuloy? Sa tingin mo ba malaya ka na, sa tingin mo ba tapos na, sa tingin mo ba wala na? Siguro nga hindi hihinto ang mundo para sayo ngunit hanggang kailan mo hahayaang ito'y umasa sa pagbabalik mo? Nakakapagod din kaya maghintay, makinig ka naman, ikaw na tinalikuran ang lahat..P.S. Ayoko pala sayo kasi duwag ka.

Ayoko sayo taong sinungaling. Hindi ko na gugustuhing iyong malinlang na muli. Anu bang mahirap sa pagsasabi ng totoo at hinayaan mong makasakit ka ng tao. Anung kayang gawin ng mga huwad na salita na hindi kayang gawin ng katotohanan. Hindi kita huhusgahan pero hindi kita gusto, ikaw na pawang may matatamis na salita sa labi. Ayoko sayo, sinungaling ka.

Ayoko sayo, taong mapagpanggap. Anung mukha muli ang ihaharap mo sa akin? Pingakatiwalaan ka ngunit anong ginawa mo. Nalingat lang sandali ay iyo ng pinaglaruan ang tiwala'y sayo inialay. Anung aking nagawa at ito ang iyong ganti. Anu, masaya ka na? Aaminin ko, nagkamali ako sa pagtingin sayo, sadya kang mapagpanggap.

Sa kabilang banda..

..salamat sayo, natuto ako, tinuruan mo ako kung anu ang mga hindi ko dapat tuluran. Salamat sayo pero ayoko pa rin sayo.

=====================================

"Tinanggap ka ng mundo,
ngunit ang mata ng tao'y sadyang mapanghusga,
hahayaan mo bang ika'y maliitin
o kaya'y lalaban ka at patutunayang nagkakamali sila?.."

0 comments:

Post a Comment