Ito Ang Simula...
Ako'y naglalatahala hindi upang ako'y mapansin.
Hindi ako nagpapapansin upang ako'y makilala.
Hindi ako nagpapakilala upang ako'y sumikat.
Ako'y sumusulat upang bigyan ng buhay ang aking isipan.
Nais kong ihatid ang bawat wika ng aking damdamin.
Hangad kong iabot sa inyo ang bawat nais ko...
Dito magsisimula,
Sana ako'y pakinggan.
Sana inyong sulyapan ang aking paglikha.
Sana inyong maramdaman ang bawat salita ko.
Sana..
"Hindi ko nais gumawa ng pangalan,
ang nais ko lang ay mang-iwan
ng marka sa inyo.
Ito ang aking munting pag-anyaya,
hindi upang makilala ang tao sa likod ng mga akdang ito,
bagkus itatak sa inyo ang mismong akda.."
Sunday, June 07, 2009 | 0 Comments
Curiosity Lingers..
I had a bad experience in our OJT. My mom scolded me. I didn't get slot in my dormitory. I got my allowance late. From time to time, I got irritated easily. I became an awful friend. I changed without being aware that I am already hurting someone. I played my time and I haven't noticed that I was already left behind. I made flaws in my storyboard. I am lost. I turned out to be the worst me I ever had. In the past few weeks, I have faced the occurrence of total distortion. Many things had happened. Many things had changed. It just took place and I am not the one in control, no one does.
I am curious what will happen next. I am afraid to commit blunders again and encounter lapses. If only I did not fall from the sweet words and promises of the company I got into for my OJT, I may not be having problems right now. If only I texted my mom earlier, I may not be listening to those same old teachings and got my allowance on time. If only I read the notice given to me by the dormitory, I can relax and wait for first semester to come without worrying where will I sleep. If only I haven't had these glitches, I may still have self-confidence, pride to make my next step. There are lots of "if only".
Curiosity lingers, will I be able to walk again and continue the game that I have started. Tomorrow? I wanted to be there and continue to have my chronicles. I wonder what's in there. There is something that keeps on whispering into my ears, "I don't want to runaway, there is no breaking out". I realized that it is never too late. I may become a failure of yesterday. I may not changed what i have done, but in some way, there is something that I keep on holding on, a view that I can repaint my past, make a better present and become a fighter for my future. I may not be able to go back to my dull bygone but I can give more colors to my coming days. Now, i am not afraid to hurt people. I am not afraid to perform imperfections. I am not afraid anymore, for things happen when it is supposed to happen. I can hope to be the best. I still have time to feel the things that I never felt before. I can meet people with different point of views. The world is open for my changes. I can. I still have time. I will.
I believe that there will always be new beginnings; there will never be end of the story as long as you happen to live your life. It is really great to have the opportunity to live where people are faced to trials and consequences, for we are given a chance to grow deeper. I know there will always be another story that awaits me, a new lesson to learn when curiosity lingers...
"Do something special and so unique
for you only have small time to make things happen.
Have fun, taste pain.
Everything will turn as an extraordinary experience
inside a life-long story..."
Sunday, May 24, 2009 | 0 Comments
Ang Role Na Hindi Kayang Gampanan Ng Isang Artista..
Sa mga madalas kong nakakasama, siguro pamilyar na sa kanila ang aking katagang "ako'y isang artista", oo isa akong artista, isang taong nagtataglay ng maraming mukha. Sa dinami-rami nga ng maskarang pwede kong isuot sa araw-araw eh natabunan na ng mga ito ang totoo kong sarili. Minsan hinahanap ko ito pero madalas tinatamad ako, nakakapagod kasi, kaw kaya magkaroon ng isang libong mukhang pwedeng iharap sa tao at isa lang dito ang totoo. At dahil nasanay na ako sa ganito, pati ako hindi ko na alam kung anu at kung sino ang totoong ako.
Hindi ko rin talaga alam kung paano ako nagsimulang mangoleksyon ng mga maskara basta ang alam ko masaya at natutuwa sa akin ang pamilya ko, mga kaibigan ko, kaklase, mga instructor ko maging ang ibang taong hindi ko kilala kapag umaarte ako. Hindi sa pagmamayabang, madalas akong nakakatanggap ng mga papuring masyado daw akong mabait, mahaba ang pasensya at hindi marunong magalit. Siguro ganito ako kasi nasanay na ako sa sa mga komento ng mga tao sa akin, tipong dahil yun ang sinasabi nila gusto ko ipagpatuloy ang ganitong imahe, dahil ito ang gusto nila, mabait na anak, masayang kasama, kaibigang laging andyan, team member na maasahan, estudyanteng hindi napapabayaan ang pag-aaral at anu anu pang katauhang nadikitan na ng kaplastikan. Hindi ko napapansin, sa dalas na ganito ang pinapakita ko naging expert na ata ako, kaya ko ng piliin kung anung mukha ang kelangang ipakita para sa isang sitwasyon, anong role ang dapat gampanan kapag napasok ako sa isang entablado.
Artista nga akong turing, ngunit nakakapagod din pala, nakakasawa. Akala ko nung una, ok maging mabait, akala ko ito ang hanap ng tao yun pala marami pa akong dapat intindihin at isaalang-alang. Ngayon nalaman ko na kahit mabait ka marami ka pa ring pwedeng masaktan, ang panget pa dun, sarili mo ang nakakatanggap ng matinding sakit. Ngayon nalaman kong hindi lang pagiging mabait hanap ng tao, kelangan din ng pagiging totoo at yun ang nakalimutan ko, at yun ang wala kapag isa kang artista. Ngayon alam ko na, nakasakit ako, nasaktan ako, natuto ako at magbabago ako.
"Sinungaling pa ba ako 'pag
aaminin kong sinungaling ako?..."
"Paanu mo tuturuang maging totoo
ang taong mapagpanggap?..."
Saturday, May 16, 2009 | 0 Comments
1000
1000 hindi 999, 1000 hindi 1001
May 1000 akong nais sabihin ngunit ilan lang ang kayang bigkasin
...1000 kwento ng buhay at ilan lang ang kayang tandaan, ilan lang ang nais balikan
...1000 salitang nais sabihin ngunit nahihirapang iwika
...1000 pangarap, 1000 pagpapagal
...1000 tao sa aking buhay; nagpapasaya, nagpapaiyak, nagpapatatag
...1000 iba't ibang damdamin, 1 lang ang masaya, 999 halo-halo
...1000 bagay sa isipan, magulo at nagtatalo-talo
...1000 mukha at isa lang ang totoo, ang iba'y pawang maskara na lamang
...1000 sekreto, hanggang kelan kaya kayang itago
...1000 hakbang at hindi alam kung saan patutungo
...1000 pagsubok, kasalukuyang hinaharap
...1000 sakit at hindi alam kung hanggang saan ang kakayanin
...1000 patak ng luha at ito'y pilit kinakaya
...1000 saya, pwede ganito na lang parati
May P1000 ako sa bulsa. ooooops. Nakalimutan ko lagyan ng tuldok.
P10.00 lang pala.
"1000 segundo, sapat na ba yun sayo
para makagawa ako ng isang alaala..."
Monday, May 11, 2009 | 0 Comments
Likhang-Isip
Ang aking emosyon,
Ang aking mga natatanging obra.
Pakinggan ang musika ng aking buhay.
Sumabay sa bawat kumpas ng aking kamay.
Sulyapan ang paggawa ng bagong likhang-isip.
Ako ay ang mga likha ko, likha ko ay ako.
=====================================
Saturday, May 09, 2009 | 0 Comments
