My Photo

Isa akong alipin.

Tagasunod ng sariling emosyon. Tagalapat ng sariling pag-iisip. Kumikilos batay sa karanasan. Ako ang mga likha ko, likha ko ay ako.

Makulay Na Pangarap..

Hindi ko alam kung bakit nagsasalita na naman ako dito patunkgol sa buhay eh 19 taon pa lang naman akong naglalakwatsa sa malaking bilog ng pinagsamang tubig at lupa [ai, isama mo pa ang basura] na tinatapakan natin ngayon. Siguro sadyang binigyan ng sariling utak ang aking mga labi na nagbibigay naman ng mga iba't ibang ideya sa aking murang pag-iisip na kasalukuyan namang nag-uutos sa aking mga kamay na "pumindot ka lang ng pumindot dyan sa keyboard ng laptop para naman matapos mo itong next entry mo" [haha, nakakatuwa namang isipin na dahil sa kawirduhan ko ay nakagawa ako ng blog at ito'y binabasa mo ngayon. Oooooops, intro pa lang ito kaya sana hindi ka mainip sa pagbabasa].

Sa katunayan [ito na talaga ang simula, at titigil na muna ako sa mga side comments ko baka kasi panay ang reklamo mo at isumbong mo pa ako sa nanay mong abala naman sa paglalaba], isang realisasyon ang pumasok sa aking isipan kaya ko nabuo ito, "creating dream is just the start of our climb, making it happen is the next step". Hindi ko tiyak kung bakit ko ito naisip, paano ako umabot sa ideyang ito. Tinanaong ko ang sarili ko kung EMO na ba ako, pero hindi naman, sadya lang siguro mapaglaro ang aking isipan at biglang napagtripan ang ideolohiyang ito. Sa kabilang banda naman, may punto naman ako di ba? Dreaming is just a piece of crap compared with the smallest piece of action. Siguro medyo mahirap intindihin ang aking mga sinasabi, ngunit kung bibigyan mo lang ng pagkakataon na pagnilay-nilayan ang mga salitang nasa harap mo ngayon, hula ko sasabihin mo sa sarili mo na "UU nga naman, may point ka ah." [sabay napangiti ka siguro]..

..[TAPOS]..