My Photo

Isa akong alipin.

Tagasunod ng sariling emosyon. Tagalapat ng sariling pag-iisip. Kumikilos batay sa karanasan. Ako ang mga likha ko, likha ko ay ako.

KK: Kapital "K"

Labels: , , ,


And I’m back with my old habbit, ang pagpopost ng blog. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na sa ala-una ng madaling araw ay bubuksan ko ang laptop at hahayaan na namang kontrolin ng damdamin ang aking mga kamay. Siguro isang malaking palaisipan ang tumatakbo ngayon sa iyong utak kung bakit ko ito nagawa at kung anu nga ba ang kapital “K” na tinutukoy ko.

Sa mga nakalipas na mga araw, may nakilala akong tao na itago natin sa palayaw na “Queenie” at sa hindi inaasahang pagkakataon ay naging “KRASH” ko siya. Dahil sa kaewanan ng mga araw ay tinuruan muling “KUMABOG si dakilang HEART”. At sa patuloy na paglipas ng nakikisang-ayon na panahon ay patuloy akong “KINIKILIG” sa mga simpleng bagay [sh**, i can’t help myself]. Ayun nga, KRASH [crush], KABOG at KILIG, yan ang mga kapital “K” na suspect sa paggawa ko ng post na ito.

Bago matapos ang araw na ito, maraming sign ang patuloy na nagpaparamdam sa akin. Isa sa mga kasabwat ay si kumpareng “facebook” at ang kabarkada niyang quiz na si “What’s the first letter of the person who loves you ”. Hinulaan ba naman ako kung anu ang initial ng taong nagmamahal sa akin, at ang resulta ay seKreto. Heto rin naman si “fortune cookie” ay nagbigay ng isang munting payo, “YOUR EVERLASTING PATIENCE WILL BE REWARDED SOONER OR LATER”. Nabigla naman daw ako sa dalawa kong tropapips at dahil dun ay wala akong nagawa kundi tumalon sa tuwa [sabay sigaw ng “wahhh, sige maghihintay ako kahit ilang taon pa yan” haha].

Ngunit matapos akong mahimasmasan ay naalala ko, kulang pa pala ung tatlong “K”, kelangan ko pa ng power ng isa pang K, dahil alam ko na sa una’t huli ay siya lang makakapagtakda ng lahat. Siya naman si bestfriend kong “KAPALARAN” [the highest from the hierarchy].Ayun, ikaw na nagbabasa nito, hinihingi ko ang iyong tulong, i-type lamang ang “GUD [space] LUCK” at isend sa 0915*****00 kung GLOBE Subscriber ka..

Makulay Na Pangarap..

Hindi ko alam kung bakit nagsasalita na naman ako dito patunkgol sa buhay eh 19 taon pa lang naman akong naglalakwatsa sa malaking bilog ng pinagsamang tubig at lupa [ai, isama mo pa ang basura] na tinatapakan natin ngayon. Siguro sadyang binigyan ng sariling utak ang aking mga labi na nagbibigay naman ng mga iba't ibang ideya sa aking murang pag-iisip na kasalukuyan namang nag-uutos sa aking mga kamay na "pumindot ka lang ng pumindot dyan sa keyboard ng laptop para naman matapos mo itong next entry mo" [haha, nakakatuwa namang isipin na dahil sa kawirduhan ko ay nakagawa ako ng blog at ito'y binabasa mo ngayon. Oooooops, intro pa lang ito kaya sana hindi ka mainip sa pagbabasa].

Sa katunayan [ito na talaga ang simula, at titigil na muna ako sa mga side comments ko baka kasi panay ang reklamo mo at isumbong mo pa ako sa nanay mong abala naman sa paglalaba], isang realisasyon ang pumasok sa aking isipan kaya ko nabuo ito, "creating dream is just the start of our climb, making it happen is the next step". Hindi ko tiyak kung bakit ko ito naisip, paano ako umabot sa ideyang ito. Tinanaong ko ang sarili ko kung EMO na ba ako, pero hindi naman, sadya lang siguro mapaglaro ang aking isipan at biglang napagtripan ang ideolohiyang ito. Sa kabilang banda naman, may punto naman ako di ba? Dreaming is just a piece of crap compared with the smallest piece of action. Siguro medyo mahirap intindihin ang aking mga sinasabi, ngunit kung bibigyan mo lang ng pagkakataon na pagnilay-nilayan ang mga salitang nasa harap mo ngayon, hula ko sasabihin mo sa sarili mo na "UU nga naman, may point ka ah." [sabay napangiti ka siguro]..

..[TAPOS]..

Ito Ang Simula...

Labels: , , ,

Ako'y naglalatahala hindi upang ako'y mapansin.
Hindi ako nagpapapansin upang ako'y makilala.
Hindi ako nagpapakilala upang ako'y sumikat.

Ako'y sumusulat upang bigyan ng buhay ang aking isipan.
Nais kong ihatid ang bawat wika ng aking damdamin.
Hangad kong iabot sa inyo ang bawat nais ko...

Dito magsisimula,
Sana ako'y pakinggan.
Sana inyong sulyapan ang aking paglikha.
Sana inyong maramdaman ang bawat salita ko.
Sana..

====================================

"Hindi ko nais gumawa ng pangalan,
ang nais ko lang ay mang-iwan
ng marka sa inyo.

Ito ang aking munting pag-anyaya,
hindi upang makilala ang tao sa likod ng mga akdang ito,
bagkus itatak sa inyo ang mismong akda.."

053109

Labels: , ,

Kamatayan, ito na siguro ang manghahawak ng pinakamalaking porsyento (pasensya na sa maling pagkabaybay, "percent" na nga lang) ng kasagutan ng tao kapag naitanong kung anu ang iyong pinakatatakutan, ika nga ang iyong "greatest fear".

Ika-31 ng Mayo taong 2009 ng maranasan kong harapin ang aking pinakakatakutan. Para sa akin, mas matindi pa ito sa kamatayan. Mas hirap akong harapin ito kumpara sa isang libong ipis at daga na nagtatago sa aming tahanan. Mas nakakapanindig balahibo pa sa mga kawiwirdong itsura ng mga engkanto. Mas kakayanin kong pakinggan ang 24 hours na pagtatalak ng aking ina kaysa maramdaman ang aking "greatest fear" kuno.

Sa araw na ito natatapos ang aking OJT. Ang aking teammates ay may kanya kanyang lakad, may kanya kanyang gimik at may kanya kanyang uuwian. Natutuwa ako para sa kanila ngunit nakalimutan kong saan naman pala ako pupunta. Sino kasama ko kakain ng dinner, saan ako matutulog, panu ako maliligo bukas?!

Sa loog ng halos dalawang buwan, nasanay na akong laging may kasama at kasabay, kulang na lang kamu pati pagpunta ko sa banyo ay may aalalay pa sa akin. Ngunit sa araw na ito tila temporary na namawala ang aming pinagsamahan ang kaya ko lang gawin ay intindihin na lang sila. Ang isa kong ka-team ay may family affair, nakakahiya kung dun ako mag-stay. Iyong dalawa naman ay may kanya kanyang date, istorbo naman ako pag sumama ako. Iyong isa naman kailangan umattend sa capping at pinning ng kapatid, sino naman daw ako para umattend dun. At iyong last naman ay uuwi sa kanyang pamilya, hindi man ako inalok kaya hiya din ako makituloy. Naisip ko na konsensyahin na lang ang aking mga kaibigan. Naisip ko na nga lang na matulog sa kalye at maglagay ng karatola na nakalagay ay "SANA MAKAHANAP KAYO NG KAIBIGAN NA HINDI KAYO IIWAN SA ORAS NG KAYO AY NANGANGAILANGAN...". Sa kasamaang palad, hindi epektib ang aking drama kaya ang aking ginawa ay inilabas ang natitira kong alas, ang aking super duper "kapalmukz". Ayon, dahil dito napilit ko ang aking isang ka-team na doon muna makitulog sa kanila.

Pag-iisa, ito ang pinakatatakutan ko. Ito ang pilit kong nilalabanan. Ito ang pilit kong iniiwasan. Ayokong maramdamang ako'y nag-iis dahil higit pa sa pangungulila ang nararamdaman ko. Kapag nag-iisa ako, iniisip kong ok na sa akin kahit ipis at daga kausap ko, ok na akong taasan ng balahibo, engkanto man yan o mukhang engkanto basta may makasam, kapag mag-isa ako namimiss ko pagtatalak ng dakila kong ina. Ayaw ko mag-isa, nakakatakot, nakakabaliw, nakakalungkot, nakakapanis ng laway.

=====================================

"Hindi man ako kasama sa featured friends sa buhay mo
hindi ko naman hahayaan mawala ako sa listahan
ng who's viewed mo, lagi kasi kita dinadalaw sa isip ko eh
SANA IKAW RIN GANUN.."