My Photo

Isa akong alipin.

Tagasunod ng sariling emosyon. Tagalapat ng sariling pag-iisip. Kumikilos batay sa karanasan. Ako ang mga likha ko, likha ko ay ako.

053109

Labels: , ,

Kamatayan, ito na siguro ang manghahawak ng pinakamalaking porsyento (pasensya na sa maling pagkabaybay, "percent" na nga lang) ng kasagutan ng tao kapag naitanong kung anu ang iyong pinakatatakutan, ika nga ang iyong "greatest fear".

Ika-31 ng Mayo taong 2009 ng maranasan kong harapin ang aking pinakakatakutan. Para sa akin, mas matindi pa ito sa kamatayan. Mas hirap akong harapin ito kumpara sa isang libong ipis at daga na nagtatago sa aming tahanan. Mas nakakapanindig balahibo pa sa mga kawiwirdong itsura ng mga engkanto. Mas kakayanin kong pakinggan ang 24 hours na pagtatalak ng aking ina kaysa maramdaman ang aking "greatest fear" kuno.

Sa araw na ito natatapos ang aking OJT. Ang aking teammates ay may kanya kanyang lakad, may kanya kanyang gimik at may kanya kanyang uuwian. Natutuwa ako para sa kanila ngunit nakalimutan kong saan naman pala ako pupunta. Sino kasama ko kakain ng dinner, saan ako matutulog, panu ako maliligo bukas?!

Sa loog ng halos dalawang buwan, nasanay na akong laging may kasama at kasabay, kulang na lang kamu pati pagpunta ko sa banyo ay may aalalay pa sa akin. Ngunit sa araw na ito tila temporary na namawala ang aming pinagsamahan ang kaya ko lang gawin ay intindihin na lang sila. Ang isa kong ka-team ay may family affair, nakakahiya kung dun ako mag-stay. Iyong dalawa naman ay may kanya kanyang date, istorbo naman ako pag sumama ako. Iyong isa naman kailangan umattend sa capping at pinning ng kapatid, sino naman daw ako para umattend dun. At iyong last naman ay uuwi sa kanyang pamilya, hindi man ako inalok kaya hiya din ako makituloy. Naisip ko na konsensyahin na lang ang aking mga kaibigan. Naisip ko na nga lang na matulog sa kalye at maglagay ng karatola na nakalagay ay "SANA MAKAHANAP KAYO NG KAIBIGAN NA HINDI KAYO IIWAN SA ORAS NG KAYO AY NANGANGAILANGAN...". Sa kasamaang palad, hindi epektib ang aking drama kaya ang aking ginawa ay inilabas ang natitira kong alas, ang aking super duper "kapalmukz". Ayon, dahil dito napilit ko ang aking isang ka-team na doon muna makitulog sa kanila.

Pag-iisa, ito ang pinakatatakutan ko. Ito ang pilit kong nilalabanan. Ito ang pilit kong iniiwasan. Ayokong maramdamang ako'y nag-iis dahil higit pa sa pangungulila ang nararamdaman ko. Kapag nag-iisa ako, iniisip kong ok na sa akin kahit ipis at daga kausap ko, ok na akong taasan ng balahibo, engkanto man yan o mukhang engkanto basta may makasam, kapag mag-isa ako namimiss ko pagtatalak ng dakila kong ina. Ayaw ko mag-isa, nakakatakot, nakakabaliw, nakakalungkot, nakakapanis ng laway.

=====================================

"Hindi man ako kasama sa featured friends sa buhay mo
hindi ko naman hahayaan mawala ako sa listahan
ng who's viewed mo, lagi kasi kita dinadalaw sa isip ko eh
SANA IKAW RIN GANUN.."

2 comments:
gravatar
J.D. Lim said...
June 7, 2009 at 2:08 AM  

Sino ba iyung kasama lagi? Isa bang ninanais mo na makasama habambuhay? :D

gravatar
frank019 said...
June 7, 2009 at 8:19 PM  

ai wow, natuwa naman ako sa iyong comment..
mga kaibigan, sila ang nais kong makasama
ng mga panahong iyon..haha..Ü

Post a Comment